UPDATE: Nagsimula nang bagtasin ng sentro ng bagyong #AghonPH ang #EasternVisayas, matapos nitong mag-landfall sa bahagi ng Giporlos, Eastern Samar kaninang madaling araw at ngayo’y patuloy nang kumikilos patungong #BicolRegion.
Posibleng lumakas pa rin ang bagyo bilang isang Tropical Storm habang binabaybay ang kabikulan ngayong araw.
Maging alerto pa rin sa banta ng mga biglaang pagbaha at mga pagguho ng lupa lalo na sa mga mabababang lugar bunsod ng mga pag-ulang dala ng sirkulasyon at trough ng bagyo.
Satellite Image from 𝙒𝙞𝙣𝙙𝙮 | 25 𝙈𝙖𝙮 2024
Source: Philippine Weather System/Pacific Storm Update
Keep safe everyone!